Maymay, Edward sa US nag-celebrate ng 3rd Anniv: Mahal namin kayo MayWard!

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

NAGING espesyal ang selebrasyon nina Maymay Entrata at Edward Barber para sa third anniversary ng kanilang loveteam, ang MayWard.

Sa Amerika nag-celebrate ang dalawang Kapamilya stars ng kanilang ikatlong taon sa showbiz bilang magka-loveteam.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Maymay ng litrato nila i Edward at binati ang mga fans nila ni Edward na walang-sawang sumusuporta sa kanila mula pa noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya (PBB Lucky Season 7).

“Happy 3rd anniversary sa mahal naming MayWard family! Sa pamilyang patuloy na binibigyan kami ng rason para mas maging thankful sa kung anong journey ang naabot natin,” caption ng dalaga sa kanyang IG post.

“Maraming salamat po sa patuloy na pagmamahal at sa suporta ng walang katumbas. Mahal namin kayo,” dagdag pa niya.

Nag-post din si Edward ng photo nila ni Maymay as kanyang IG account na may caption na, “On Cam Vs. Off Cam – and after 3 years, wouldn’t change a thing. #M.E&U.”

Kung matatandaan, nabuo ang MayWard noong 2016 nang magkatuksuhan ang housemates sa loob ng PBB house at pagkalabas na pagkalabas nila sa Bahay ni Kuya ay binigyan agad sila ng project ng ABS-CBN at hanggang ngayon nga ay patuloy na humahataw ang kanilang career. Narito ang ilang comments ng MayWard fans sa IG post ni Maymay.

Mula kay @henchel_krogsgaard, “Fighting! Stay in love #MayWard coz we love you both.”

Sey naman ni @perrywolfie, “Ayy feeling ko sila na kasi touchy2x na. Hahahaha! Congrats!”

Komento ni @wenapasa, “HAPPY 3rd Anniversary Mayward God bless sa another journey ninyo stay humble always.”

“Gravi by. Hanggang ngaun hindi maitago ang kilig @mayma,” sabi naman ni @santelicesroselle.

Chika ni @rhendeloso_mwsofc, “Masaya na kami makita namin ganyan kayo ka sayang dlawa.. Nandito lang kami para sa inyo.”

Ayon naman kay @jhezmatildo, “@diane_dayumat Mars!!!!! Nood na tyo! gikilig akong ilong sobrasobra sila. Hays sana makahanap ka din ng isang Dodon!”

“Sana nga kayo na ang magkatuluyan hanggang sa ending. Bagay na bagay kayo and we will always pray na mas dumami pa ang mga blessings para sa inyong dalawa. Love you both.”

Sa pagbabalik naman sa Pilipinas nina Maymay at Edward, bukod sa kanilang weekly fantasy series na Hiwaga Ng Kambat sa ABS-CBN, maghahanda na rin sila para kanilang “M.E. & U.” concert na gaganapin sa Sept. 27 sa New Frontier Theater.

Read more...