P113M halaga ng libro, learning materials nakatambak lang sa warehouse ng DepEd

MAHIGIT P113 milyong halaga ng textbook at iba pang learning materials para sa public schools ang nakatago sa mga warehouse ng Department of Education, ayon sa 2018 report ng Commission on Audit.

Ayon sa COA, may 3,410,137 learning materials na binili mula 2014 hanggang 2017 ay nasa ilalim na ng Irregular, Unnecessary, Excessive, Extravagant and Unconscionable expenditures ng ahensya.

Sa mga ito, 1.6 milyon ang binili noong 2015, 1.2 milyon noong 2016, 440,591 noong 2014 at 128,111 noong 2017.

Sa mga binili umanong libro at iba pang learning materials mula 2014-2-16, 15.77 porsyento lamang ang naipamahagi sa mga eskuwelahan na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

“The warehouses are in very poor condition. These are not well maintained, are dirty, and full of dust and spider webs. The warehouses are not well ventilated due to absence of exhaust fans or insulation materials that will prevent fire,” saad ng COA.

Read more...