Rayver may kabit na multo; Kris pagod na pagod na

RAYVER CRUZ AT KRIS BERNAL

May pagkakataon na gusto nang sumuko ni Kris Bernal dahil sa matinding pagod at stress.

Bukod kasi sa hirap at sakripisyo na ginagawa niya para sa afternoon series niyang Hanggang sa Dulo Ng Buhay Ko, busy din siya sa kanyang mga negosyo.

Alam n’yo ba na may mga araw na siya mismo ang nag po-process ng orders at nagpa-pack para sa kanyang cosmetics business? Kaya naman hindi maiiwasan na makaramdam siya ng sobrang pagod at kung minsan ay naiisip na niyang sumuko.

“At some points I really just want to quit and give up. Uuwi ka na lang from taping, magtratrabaho ka pa sa bahay. But my family always tells me: ‘You can’t quit now, you’re almost there!'” pahayag ng Kapuso actress.

Samantala, marami naman ang naloloka sa mga eksena ni Kris sa GMA Afternoon suspense-horror-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko bilang si Naomi, ang multong nabiktima ng “ghosting” ni Matteo (Rayver Cruz).

Sa pagpapatuloy ng kuwento, napapraning na si Matteo dahil pinagbibintangan siyang may kabit. Pati ang asawa niyang si Yvie (Megan Young) ay halos mabaliw na sa pagdududa kung sino ang babaeng nanggugulo sa kanila at wala siyang kamalay-malay na isang multo pala ang nang-aahas sa kanyang mister.

Inis na inis kay Kris ang mga Kapuso viewers dahil nga feeling nila walang kalaban-laban si Megan sa ginagawa niyang kasamaan. Paano nga kaya niya malalaman na isa na palang ghost ang karibal niya kay Rayver?

At ano ang gagawin ni Rayver kapag nalaman niyang naghihiganti sa kanya ang babaeng biktima ng kanyang ghosting style. Patuloy na subaybayan ang mas umiinit at mas nakakatensyon pang kuwento ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko after Eat Bulaga.

Read more...