Super proud si FDCP Chairperson Liza Diño sa asawang si Ice Seguera nang mapanood nito ang Call Me Tita, ang bagong digital series sa iWant.
Gagampanan ni Ice ang karakter bilang lover ni Mylene Dizon at meron din daw silang kissing scenes dito. Nagpaalam daw muna si Ice kay Liza bago gawin ang nasabing eksena.
Kuwento ni Ice, “Nagpaalam ako (sa kissing scene) parang ano (umaayaw), sabi ko, ‘tigilan mo ako ha, may sex scene ka!’ Sabi ko, ‘ako halik lang, putcha!’ Magandang interbyuhin ninyo siya pagkatapos.”
Base sa post ni Chairman Liza sa kanyang Facebook page kahapon, tuwang-tuwa siyang mapanood muli na umaarte si Ice.
“My love, it was so nice to see you back on screen again and doing what you love acting. For a time alam kong medyo nag step-back ka ‘coz ayaw mong matali ang oras mo. Pero alam ko deep inside, hinahanap-hanap mo s’ya.
“Love, you have a natural gift. Napakagaling mong artista. Sa totoo lang pangarap kong makatrabaho ka kasi grabe ka magbigay sa eksena. Watching you last night, bigla ko na namang na-miss umarte, only because gusto ko ako ‘yung kaeksena mo. Hahahaha! Joke lang.
“Nakakakilig to see you with a love interest at nakakaproud dahil hindi na HALAMAN ang tingin sa mga transman na walang love life. I’m really happy na the role you’re playing is no longer limiting you as an actor.
“Love, you’re playing a MALE role. Can you believe that? The world is changing. I know that makes you proud. (Although siguro kaya ako ganito kasi di ko pa nakikita ang kissing scene mo.
“Love, ituloy-tuloy mo na to. Nandito lang ako sa likod mo. You must not stop feeding your soul. You are an artist with so many talents. At maswerte ka, abot kamay mo lang ang lahat ng ito. I love you sooooooo much. I was happy to attend the gala premiere last night as your wife and your number one fan!!!”
At magandang regalo rin ito sa dalawa dahil nagdiwang sila ng kanilang anibersaryo nitong Agosto 7.