Kit Thompson iba-iba ang atake sa sex scene

KIT THOMPSON

SA tuwing natatanong si Kit Thompson kung ano ang pagkakaiba ng love scenes niya kay Kim Molina sa Momol Nights ng iWant at sa intimate scenes nila ni Mylene Dizon sa “Belle Douleur” ay maiiling muna siya at ngingiti ng makahulugan.

Ang “Bell Douleur” ay entry sa 2019 Cinemalaya mula sa Quantum Films na pinag-uusapan ngayon sa mga nakapanood na dahil sa tema at maiinit ngang eksena nina Kit at Mylene.

Pakiramdam ng aktor, ang mga maseselang eksena na ginawa niya sa Momol Nights at “BD” ang biggest achievement niya as an actor, isama pa riyan ang love scene nila ni Ivana Alawi sa teleseryeng Sino ang Maysala: Mea Culpa.

“Iba ang treatment sa Momol kasi it’s like comedy and sex together, ito (Belle Douleur), mas love, mas sensual, mas intimate. Sa Sinong May Sala, feeling ko, mas lusty, mas sexy, so iba rin ‘yun,” pahayag ng aktor.

Sa tanong kung masarap bang ka-love scene si Mylene (nagulat ang aktres nang marinig ito at napa-wow), “Masarap siyang katrabaho, sana maulit, sabay lingon kay Mylene). Uulitin mo pa ba?” natawang sagot ng aktor.

Dagdag pa ni Kit, “Iba-iba kasi ang timpla ng mga love scene namin (ni Mylene), ‘yung una makikita mong, itong dalawa wala pang nangyari sa kanila, nagkakapaan pa sila but at the same time, still steamy kasi makikita mo ‘yung longing or the lust, the magnetic feeling. So iba-iba.”

Mas magandang panoorin n’yo na lang ito sa mga sinehan sa Agosto 14 pagkatapos ng Cinemalaya bukas, Agosto 10.

Samantala, ipinagtapat ng producer-director na si Atty. Joji Alonso na nahirapan siyang humanap kung sino ang gaganap na Josh sa “Belle Douleur” dahil nga mahirap tapatan ang galing ni Mylene.

Ayon kay Mylene, “Yun nga, I’m just glad that it was him nga because not only did he meet the physical requirement, he was cooperative enough to play around with the role. I don’t think naman kasi it’s such great experience for young actors to be having love scenes with the matronas parang lasang lupa na ‘yan or amoy lupa na ako (napangiti).

“It’s quite challenging, it’s not easy ‘yung role for anybody to take on and he accepted it and I’m just glad that he did,” sabi pa ng aktres.

Samantala, sa pagtatapos naman ng Sino Ang Maysala, aminado ang aktor na mami-miss niya ang mga co-kasamahan niya sa serye dahil naging magkakaibigan na sila nina Ketchup Eusebio, Sandino Martin, Tony Labrusca, Bela Padilla at Jodi Sta. Maria.

Read more...