Marcos wagi sa P102B forfeiture case

IBINASURA ng Sandiganbayan Second Division ang P102 bilyong forfeiture case laban kay Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos at 11 cronies nito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa 67-pahinang desisyon, sinabi ng korte na kulang ang ebidensya ng Presidential Commission on Good Government para patotohanan ang alegasyon nito.

“It saddens the Court that it took more than 30 years before this case is submitted for decision and yet, the prosecution failed to present sufficient evidence to sustain any of the causes of action against the remaining defendants,’ saad ng korte.

Nabigo umano ang prosekusyon na patunayan na naging dummy ang mga akusado ng mag-asawang Marcos upang magkamal ng nakaw na yaman.

Wala umanong naipakitang ebidensya upang mapatunayan na may partisipasyon ang mag-asawa sa pagpapautang sa Aklan Bulk Carriers, Inc., Fuga Bulk Carriers, Inc., Coron Bulk Carriers, Inc., at Ecija Bulk Carriers, Inc., at paggamit ng kita mula sa RPN-9, IBC-13 at BBC-2 para sa kanilang personal na pakinabang.

“It is settled that in civil cases, the party making allegations has the burden of proving them by a preponderance of evidence. In addition, the parties must rely on the strength of their own evidence, not upon the weakness of the defense offered by their opponent.”

Kasama ng mag-asawang Marcos sa kaso sina Rafael Sison, Placido Mapa, Jr., Don M. Ferry, Jose Tengco, Jr., Ramon Monzon, Generosa Olazo, Cynthia Cheong, Ma. Luisa Nograles, Leopoldo Vergara, Jose Africa at Rodolfo Arambulo.

Read more...