Supreme Court Justice di nagpahuli, naki-join sa Bea-Julia-Gerald scandal

SUPER hot talaga ang isyu ng Bea-Julia-Gerald scandal, kaya pati si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ay nakisawsaw na rin.

Hindi napigilan maglabas ng saloobin ni Justice Leonen sa kanyang Twitter account ang isyu ng tatlong celebrities na mainit na pinag-uusapan nationwide.

Tanong niya sa kanyang tweet, Dear Bea and Julia, Is he really worth it? Followed by a hastag na #JustAsking.

May kanya-kanyang comment din ang ilang mga celebrities tungkol sa issue dahil lalo itong uminit nang magpost sa kanyang Instagram si Julia Baretto tungkol sa di umanong pambu-bully na ginawa sa kanya ni Bea.

Sabi sa Facebook post ni Ogie Diaz, “Pahupa na eh. Sana di na lang nagsalita si Julia Baretto. Kahapon nagsalita si Ge, si JB ngayon. Nag-usap kaya sila?”

May recent tweet din si Ethel Booba tungkol sa tatlong involved sa issue. Sabi ni Ethel sa tweet “Now Playing: Victims of Love. Charot!”

https://twitter.com/IamEthylGabison/status/1158902773825490944

Madaming netizen din ang nagbibigay ng kanya kanyang mga comments at pumipili ng kanilang side sa issue kung sila ba ay #TeamBea or #TeamJulia. Nag-aabang naman ang lahat sa rebut ni Bea matapos ang kontrobersyal na post ni Julia.

Read more...