PINURI ni Gerald Anderson ang pamilya ni Julia Barretto dahil napaka-solid at super united ang kanilang pagsasama.
Inamin ng Kapamilya hunk actor na totoong nakausap niya ang tatay ni Julia na si Dennis Padilla sa pamamagitan ng cellphone. Ito’y mula nang pumutok ang balita na si Julia umano ang dahilan ng break up nina Gerald at Bea Alonzo.
Sabi ng binata, naiintindihan niya ang damdamin ni Dennis bilang isang “concerned father.”
“Si Sir Dennis, tumawag siya sa akin. Of course, he called me. I answered the phone. We had a good conversation. Tumawag siya kasi isa siyang concerned father. Anak niya ‘yun, e. Anak niya ‘yun,” ani Gerald sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa niya, “Siyempre, alam natin na grabe rin ‘yung bashing sa side nila. No one deserves that. We had a good conversation.”
Mas lalo pang uminit ang kontrobersya nang mag-post ng mahabang mensahe si Julia sa Instagram laban kay Bea na inakusahan niya ng pambu-bully.
Dito sinabi niya na wala siyang kinalaman sa hiwalayan nina Bea at Gerald at hinding-hindi na siya papayag na maging biktima ng aktres. At wala rin daw pakialam ang mga tao sa personal life niya lalo na sa kanyang lovelife.
Para naman kay Gerald, saludo siya sa tindi ng pagsuporta kay Julia ng kanyang inang si Marjorie at kapatid na si Dani sa gitna ng iskandalong ito.
“She has a very beautiful and nice family. One thing for sure is they’re very strong and united. It’s just unfortunate na nadamay and this happened. At least they’re all together,” aniya pa.