Solon na ex-cop baka makasuhan

POSIBLENG makasuhan, maharap sa disciplinary action o kaya ay mapatalsik sa kanyang pwesto ang isang bagitong mambabatas dahil sa pakikialam sa gusot sa loob ng isang priobadong kumpanya.

Sinabi ng aking Cricket sa Negros Island na mismong ang mambabatas na ito ang nag-utos sa ilang top police officials para lusubin ang tanggapan ng isang kumpanya na kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita.

Mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na na animo’y pupunta sa giyera ang sapilitang pumasok sa compound ng nasabing kumpanya.

Doon ay kanilang dinis-armahan at pinosasan ang ilang mga lehitimong blue guards ng kumpanya saka dinala sa tanggapan ng PNP sa lalawigan.

Kinagabihan noong July 26 ay isa pang pagsalakay ang ginawa ng mga tauhan ng PNP dahil sa umano’y pakikialam ng nasabing mambabatas at doon ay ilang blue guards muli ang kanilang hinuli.

Makalipas ang ilang araw ay sabay-sabay ring pinalaya ang inarestong mga sekyu dahil hindi naman pinatulan ng piskalya ang kasong trespassing na isinampa ng mga umarestong otoridad.

Sinabi rin ng aking Cricket na isang babaeng bagong laya mula sa New Bilibid Prisons ang nagsumbong sa pakialamerong mambabatas.

Ang nasabing babae na nauna nang nahatulan sa kasong kidnaping at murder ay may interes sa kumpanya na tinutukoy sa ating kwento ngayong araw.

Sumulat na ang mga opisyal ng kumpanya kay PNP Chief Oscar Albayalde para isumbong ang pakikialam ng naturang mambabatas na isa rin dating opisyal ng pulisya.

Ang mambabatas na nagbigay ng utos sa ilang police officials para i-harass ang isang kumpanya na mayroong internal conflict ay si Mr. R…as in Rambo.

Read more...