Usapang ‘baboy’

BAGO ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Aquino, sentro ng usapan ang Priority Development Assistance Fund o PDAF na mas kilala sa tawag na pork barrel.

Usapang baboy ang mga nakabandera sa mga headlines ng mga pahayagan, binababoy kasi ang pera ng taumbayan.

Dahil sa anomalyang ikinakabit sa kung paano ito ginagamit, may nagmungkahi na ibasura na lang ang pondo.

Magandang pakinggan sa mga TV at radio interviews, magandang soundbyte ito ika-nga, pero hanggang doon na lang yun, pang-talakayan, pang-talk show, puwedeng humantong sa debate sa Kongreso.

Ang totoo, kung talagang ayaw ng pondong ito, hindi na kailangan ang kilos mula sa lehislatura, sa antas pa lamang ng

Ehekutibo, puwede nang alisin o ibasura ito.

For as long that there is access to pork funds, patronage politics will remain in our political system.

Ngayon, may blind item ako.

Kuwento ito ng isang dati ay pipitsuging negosyante na ang unang kalakal sa gobyerno ay sa isang sangay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Walang masama kung ang pipitsuging negosyante ay umunlad, lumaki at maging big time. Kung dati nagtitinda ka lang ng meryenda, o kaya ay runner lang ng ibang supplier, tapos ikaw na ang pinakamalakas na dealer ngayon, may masama ba dun?

Aba! Success story kaya iyon!

Pero ang masama kung sa success story na iyon ng buhay n’ya, ang pinagsasamantalahan pala ay pera ng gobyerno, mula sa buwis ng taumbayan. Pero hindi rin ba mas lalong masama ang kuwento kung natutunan pala n’ya ang mga pasikut-sikot at maniobra sa paggamit sa pondo ng pamahalaan sa mismong mga opisyal din ng sangay na iyon ng Hukbong Sandatahan na nakasalamuha niya?

Ang kuwento, hindi mo kailangang magkaroon ng malaking pera para mag-negosyo sa gobyerno, yun daw ang natutunan ng success story nating negosyante sa kuwentong ito. Ang kailangan lamang ay magkasundo kayo ng kasabwat mo sa naturang ahensiya kung paano mamanipulahin ang pondo; paano paiikutin ang pera pala lagyan si ganito, hatian si ganire, mag-regalo ng ganito sa isa pa at isa pa hanggang sa marami na ang makatikim.

Kung lalala o mababawasan ang katiwalian sa sistemang napasukan n’ya, nasa mga nasa loob na ng ahensiya.
Any reform in any system perceived to be corrupt must always start from within, for it is within the confines of that system that abuses and manipulations are pushed to the limit.

Sige kunwari, wala ng pork barrel.

May tumakbo pa kaya sa kongreso? May gusto pa kayang maging senador? Humaba pa kaya ang listahan ng partylist representatives?

Kung paggawa na lang talaga ng batas ang aasikasuhin nila, may magreklamo pa kaya na wala namang sapat na kakayanan ang mga nahahalal na mga mambabatas.

Kaso nga, nagising ako, panaginip lang nga.

Ayun oh nagbukas na ang kongreso. Dami na namang suppliers sa gallery, kumakaway at nag-iisip nang pupuwedeng maialok.

Si Arlyn Dela Cruz ay napapakinggang araw-araw sa Radyo Inquirer 990AM DZIQ alas sa programang Banner Story, alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

Read more...