Megan: May multong nang-aaswang kay Rayver

KRIS BERNAL, RAYVER CRUZ AT MEGAN YOUNG

Affected ang viewers sa ginagawang paghihiganti ng multong karakter ni Kris Bernal sa pinag-uusapang afternoon series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng serye, nagsimula nang “aswangin” ng multong si Naomi (Kris) ang asawa ni Yvie (Megan Young) na si Matteo (Rayver Cruz). Talagang hindi siya titigil hanggang hindi nawawasak ang pamilya ng mag-asawa makuha lang muli ang lalaking pinakamamahal niya.

Pero sa kabila ng pakiramdam ng nanay ni Yvie na si Tina (Sharmaine Arnaiz) na hindi tao ang karibal niya kay Matteo, hindi pa rin siya maniniwala. Malakas ang kutob niyang nambababae talaga ang kanyang asawa.

Hindi rin titigil si Naomi sa paggawa ng kasamaan laban sa pamilya nina Matteo at Yvie, handa siyang manakit at pumatay para lang madala hanggang sa kamatayan ang lalaking nanakit at nag-ghosting sa kanya. Patuloy na tutukan ang HSDNBK after Eat Bulaga.

Read more...