Duterte bibisita sa Guimaras para makiramay sa pamilya ng mga nasawi sa paglubog 3 bangka

NAKATAKDANG bumisita si Pangulong Duterte sa Guimaras bukas para makiramay sa mga nasawi sa trahedya sa paglubog ng tatlong bangka sa Iloilo noong Sabado kung saan umabot sa 28 ang nasawi.

Inaasahan namang magbibigay ng ayuda si Duterte sa mga naulila ng mga namatay sa nangyaring trahedya.

Tatlong bangkang de motor ang lumubog sa karagatan ng Iloilo at Guimaras dahil sa malalaking alon at malalakas na pag-ulan.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat ay maging aral ito sa mga otoridad nang hindi na maulit ang kaparehong insidente matapos namang payagang makalayag ang mga sasakyang pandagat sa kabila nang nararanasang mga malalakas na pag-ulan.

Read more...