Young singer-actress ‘Negastar’, minamalas ang career


MARAMING nagtatanungan kung bakit parang may pagkanega ang dating ng isang young singer-actress?

Maraming kuwentong lumulutang tungkol sa kanyang kaartehan samantalang kung tutuusin ay wala pa naman siyang maipagmamalaki.

Kahit nu’ng baguhan pa lang talaga siya ay paborito nang pagpistahan sa mga umpukan ang young singer-actress, maraming naiinis sa kanya, mapaghanap kuno ng atensiyon ang dalaga.

Kuwento ng isang source, “Palagi siyang misunderstood. Ganu’n ang feeling ng marami nu’ng una, hindi lang siya naiintindihan, pero nice naman siya.

“Nu’ng magtagal-tagal na, e, napatunayan ng mga taong ‘yun na may kakaiba ngang attitude ang girl. Feeling siyang masyado. Pakiramdam niya, e, sikat na sikat na siya, kaya meron na siyang kakaibang ugali,” simulang chika ng aming impormante.

Nabigyan ng pagkakataong magbida sa isang serye ang young singer-actress, pero parang hindi pa nangangawit sa pag-upo ang manonood sa harap ng TV ay wala na pala ang kanyang serye, pinalakol na agad ng mga ehekutibo ng istasyon.

Patuloy na chika ng aming source, “‘Yun ang nangyari talaga, agarang tinigbak din ang seryeng siya ang bida dahil sumisisid sa rating. Wala siyang fan base, hindi siya gusto ng manonood, kaya maagang inilibing ang serye niya.

“Nasaan na ‘yung mga fanchita niya na sumasama-sama pa sa mga personal appearance niya na may bitbit pang mga placards niyang pailaw-ilaw? Anyare sa mga tagasuporta niya na kahit saan siya magpunta, e, nagsusunuran din sa kanya?

“Dapat sana, e, may guest role siya sa isang serye sa network nila, kaso, nu’ng malaman ng isang young actress na papasok pala siya sa programa, e, nag-umiyak ang girl.

“Natural, nabagabag ang production, ano ang dahilan ng pag-ayaw ng girl na makapasok sa programa ang young singer-actress? Basta raw! Kanila na lang daw ‘yun, sabi ng pinagsumbungan ng girl.

“Kaya ayan, tiwangwang ang career ng girl, may ginagawa siyang movie na siya na naman ang bumibida, kaya good luck na lang sa grupong pumili sa kanya!

“Masyado kasi siyang feeling, e, name lang naman niya ang may K sa kanya! Wala pa siyang napatunayan! Ayaw na ayaw ng isang dilaw na bulaklak nang ganyan!” pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo ang young singer-actress na ito, sa totoo lang!

Read more...