Milyong halaga ng gamot nag-expire, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan sa Kamara de Representantes ang P18.5 bilyong overstock na gamot na ilan ay expired na o malapit na umanong mag-expire ayon sa ulat ng Commission on Audit.

Ayon kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor nakakapanghinayang na milyon-milyong halaga ng gamot ang masisira lang samantalang andaming Filipino na nangangailangan ng gamot.

“We must stress that officials trusted with public resources are duty-bound to see to it that these supplies are used efficiently for the public good and benefit, and not just left to spoil away,” ani Defensor.

Umaasa si Defensor na hindi ito isang kaso ng over-purchasing para mapagbigyan ang ilang supplier ng gamot.

“Negligence in the management of perishable inventories, especially life-savings drugs, is unacceptable, considering that many poor Filipinos desperately need these medicines,” dagdag pa ni Defensor.

Sinabi ni Defensor na maraming pasyente sa ospital ng gobyerno ang sinasabihan na bumili na lamang ng gamot sa pribadong pharmacy dahil wala ng suplay.

Isa umano sa dahilan kaya hindi nadadala ang gamot sa mga ospital ng gobyerno ay ang problema sa transportasyon at warehouse.

Kung ganito umano ang problema, maaaring ibigay na lamang ang pondo sa mga ospital at hayaan na ang mga ito na ang bumili ng gamot na kanilang kailangan.

Ayon sa ulat ng COA, hanggang noong Disyembre 2018 ay P18.449 bilyong halaga ng gamot na binili mula 2015-2018 ang hindi pa nadadala sa mga ospital ng gobyerno.

Sa mga ito P294.767 milyon ang nasa warehouse ng DoH at malapit ng mag-expire. May P19.165 milyong halaga ng gamot na biniling DoH central office ang nadala na sa mga ospital at malapit ng mag-expire. Late umano ang distribution o wala ng isang taon bago mag-expire ang mga gamot ng maipadala sa mga ospital.

May P30.353 milyong halaga ng gamit naman na nasa mga ospital at health center na ang expired na noong Disyembre 31, 2018.

Read more...