Love triangle nina Bianca, Miguel at Migo sunud-sunod ang pasabog


SPEAKING of Sahaya, tutukan ang pagpapatuloy ng kuwento ng babaeng handang ipaglaban ang kanyang karaparan sa kabila ng pang-aapi at pang-aalipusta sa kanya ng mga kontrabida sa buhay niya.

Abangan ang isa na namang pagbabagong magaganap sa buhay Sahaya (Bianca Umali) ngayong lantad na ang katotohanan tungkol sa tunay niyang ama (Zoren Legaspi). Ano nga ba ang naghihintay na kapalaran sa dalaga kapag nakilala na niya si Harold, ang matagal na niyang hinahanap na bubuo sa kanyang pagkatao.

Kailangan n’yo ring abangan kung paano gagantihan ni Manisan (Mylene Dizon) ang lahat ng mga taong nang-api sa kanyang pamilya, lalo na kay Irene (Ana Roces) na hindi pa rin titigil sa paggawa ng kasamaan para lang mailayo si Harold kay Sahaya.

At ito pa, hindi n’yo rin kakayanin ang galit ni Jordan (Migo Adecer) kay Sahaya dahil feeling niya niloko lang siya ng babaeng pinakamamahal niya.

At ano na nga ba ang kahihinatnan ng paghihiganti ni Ahmad (Miguel Tanfelix) sa mga taong dumukot sa kanyang ina? Hindi rin siya tatantanan ng mga kalaban dahil sa patuloy niyang paglaban para makamit ang hustisya.

Abangan lahat ng kasagutan sa pagpapatuloy ng Sahaya na napapanood pa rin sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Kasama pa rin dito sina Snooky Serna, Pen Medina, Marissa Delgado, Eric Quizon, Ahsley Ortega at marami pang iba, sa direksyon ni Zig Dulay.

Read more...