NGAYONG gabi na magaganap ang final Big Night ng PBB Otso sa AATF Sports Complex. Malagasang Road, Imus, Cavite.
Kagabi ibinandera na ni Big Brother ang apat na housemates na matagumpay na nakapasok sa Ultimate Big 4 matapos ang pinagdaanang challenges nitong nakaraang linggo.
Maglalaban-laban mamaya para sa titulong Ultimate Big Winner sina Yamyam Gucong, Kiara Takahashi, Andre Brouillette at Lou Yanong, na nagpakita ng katatagan at determinasyon sa pagsabak nila sa matitinding tasks ni Kuya.
Si Yamyam at ang real life couple (nagkadebelopan sa loob ng Bahay ni Kuya) na sina Lou at Andrei ay kabilang sa second batch ng PBB Otso housemates habang si Kiara ay mula naman sa fourth at final batch.
Kagabi sa huling eviction night, natanggal sina Fumiya Sankai, Lie Reposposa, Ashley del Mundo at Kaori Oinuma na siyang nakakuha ng pinakamababang score at text votes.
Ang Ultim8 Big Winner para sa edisyong ito ng PBB ay ibabandera na tonight.