Kilalang female star maldita na, reklamador pa; ibang-iba sa ‘cowboy’ na youngstar

PINATUTUNAYAN ng mga taong nakasama ng isang female personality ang kanyang kaartehan at kamalditahan. Halos lahat ay siya ang kinokomentuhan ng hindi kagandahan.

Matagal silang nagkasama-sama sa malalayong probinsiya para sa kampanya. Maraming personalidad na kasama rin sa mga biyahe pero puring-puri ng grupo ang lahat maliban lang sa may kamalditahang aktres.

Kuwento ng aming source, “Maraming naiinis sa kanya, kasi, hindi siya approachable. Saka halatadong hindi niya gusto ang mga pinagagawa sa kanya.

“Hindi naman kasi i-naasahan kung minsan ang mga problema sa ganu’ng trabaho, pero mukhang hindi ‘yun naiintindihan ng female personality.

“Matapang na nga ang dating ng itsura niya, tapos, e, magmamaldita pa siya, ano ang inaasahan niyang sasabihin ng mga katrabaho niya?

“May mga nakikiusap sa kanya na made-delay lang nang konti ang akyat niya sa stage, pero ayaw niya, wala raw sa usapan na kailangan niyang maghintay!

“Ang usapan daw, basta nandu’n na siya, e, kailangan na siyang isalang agad dahil hindi lang naman ‘yun ang work niya! Naiilang sa kanya ang mga katrabaho niya, maldita talaga ang dating niya sa lahat!” unang kuwento ng aming impormante.

Ang pinupuri ng kanilang mga katrabaho ay ang sikat na male personality at ang katambal nito sa isang serye. Cowboy kung tawagin nila ang magandang aktres.

Patuloy ng aming source, “Marunong kasing makibagay si ____ (pangalan ng magandang aktres). Alam niya ang pinasok niyang mundo. Madali siyang pakisamahan dahil wala siyang kaarte-arte sa katawan kahit pa sikat na siya.

“May coordinator na lumapit sa kanya, ‘Naku, sorry po, kailangan nating bumalik sa Manila by land, delayed ang plane, matagal ta-yong maghihintay. Okey lang ba sa iyo?’

“Walang kagatul-gatol na sumagot ang girl, ‘Walang problema, go!’ Ganu’n siya kadaling kausap. Wala siyang angas, very professional siya, kaya maraming pumupuri sa kanya.

“Napakalayo ng ugali nila nu’ng malditang girl. No comparison, sa totoo lang! Kung gaano siya kamaldita, e, sobrang bait naman nu’ng isa!

“Fresh na fresh ang beauty ng mabait na girl, samantalang ‘yung isa, e, mukha siyang kontrabida, ‘no!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi kayo mauupo ngayon n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang mga pinagkukumparang female personalities, sa totoo lang.

 

Read more...