NAKATUTOK pa rin ang karamihan ng mga kabahayan sa buong bansa sa ABS-CBN na naghatid ng mahahalagang balita at makabuluhang mga palabas noong Hulyo, matapos itong makakuha ng average audience share na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Katulad ng mga nakaraang buwan, hindi pa rin natitinag ang FPJ’s Ang Probinsyano (37.6%) ni Coco Martin bilang pinakapinapanood na programa ng mga Pilipino nationwide.
Kasunod naman nito ang action-drama na The General’s Daughter (31.3%) na pinagbibidahan ni Angel Locsin.
Nagtapos naman ang unang season ng Search for the Idol Philippines (30.1%) hosted by Billy Crawford bilang numero unong programa tuwing weekend, habang hawak pa rin ng TV Patrol (28.5%) ang titulo bilang most watched weekday newscast sa buong bansa.
Marami ring mga Pilipino ang patuloy na tumatangkilik sa mga nakakaantig na mga kwento na handog ng Maalaala Mo Kaya (24.8%) ni Charo Santos, habang nakasubaybay pa rin ang viewers sa matitinding kaganapan sa Kadenang Ginto (24.1%) tuwing hapon.
Pasok din sa listahan ng most watched programs noong Hulyo ang Hiwaga ng Kambat (23.6%) at Home Sweetie Home: Extra Sweet (21.6%).
Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t-ibang time blocks, partikular na sa primetime at sa afternoon block. Nagkamit ang Kapamilya network ng 47% sa primetime block. Pagdating naman sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.), nakapagtala rin ang ABS-CBN ng 47%.
Namayagpag din ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 39%, at sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 44%.
Panalo rin sa ratings game ang Kapamilya network sa Metro Manila sa pagtala nito ng 41%; sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng 36%; sa Total Luzon kung saan nakakuha ito ng 40%; sa Total Visayas kung saan nakaani ito ng 53%; at sa Total Mindanao kung saan nakakuha ang ABS-CBN ng 52%.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural
homes.