P9M jackpot nakuha sa Nueva Ecija

ISA ang tumama ng P9 milyong jackpot prize sa bola ng Mega Lotto 6/45 Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 29-15-19-07-24-13. Ang nanalo ay tumaya sa Nueva Ecija.

Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa head office ng PCSO sa Mandaluyong. Ang kanyang premyo ay babawasan ng 20 porsyentong buwis.

Nanalo naman ng tig-P10,840 ang 51 mananaya na nakalimang numero. Tig-P270 naman ang 1,626 na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 20,509 mananaya na nakatatlong numero.

Wala namang tumama sa P82.2 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 kaya lalapit ito sa P100 million jackpot mark sa bola nito sa Linggo.

Read more...