Maja, Julia plastikan lang ang pagiging sweet sa isa’t isa

MAJA SALVADOR AT JULIA BARRETTO

KUMALAT at naging viral ang photos nina Maja Salvador at Julia Barretto.

Actually, marami silang kasama sa picture, nandoon din si Joshua Garcia. Kuha yata iyon sa airport, sa isang show nila sa abroad.

We’re not sure kung ito ang latest photo kasi may show sa US ang grupo ng ABS-CBN stars. May mga nag-comment kasi na luma na ang litrato.

Anyway, may issue sa photo dahil ex ni Gerald Anderson si Maja na sinasabing sinulot si Kim Chiu.

Matagal nang magdyowa sina Kim at Gerald until Maja came into the picture.

Nalaman na lang ang panunulot ni Maja sa presscon ng isang soap opera na pinagbidahan nila ni Kim.

Magkatalikod lang ang dalawa during the interview kaya naman nabaliw ang lahat nang magpasaring si Kim sa katabing si Maja.

Doon nabuking na si Maja ang third party sa hiwalayan nina Gerald at Kim.

Sa photos, sweet na sweet sina Maja at Julia. Marami ang naplastikan sa dalawa.

“Wala naman po kasalanan c Julia kay Maja eh. Hayaan nyo na.”

“Yan ang tunay na hindi bitter, mga fans lang naman kc ang may problema hindi yung mga hinahangaan.”

“Dami kasing nakikisawsaw d ako fan ng dalawa tanong ko lang sa ganda ni Bea Alonzo bakit cya iniiwan ng mga nagiging BF nya nakailan na din cya pareho lang cla ni Gerald wag sana kayong mapang husga bka cya ang may problema kaya cya iniiwan.”

“Plastikan iyan. Alangan namang magdedmahan cla dyan eh di another isyu na naman.”

“Dyan magaling ang mga artista! Sa plastikan!”

“Si Maja isa payan. Noong time na broken si Kim ang galing lage sa tabi ni Kim galing magpayo. Siguro wala pang isang buwan sila na ni Gerald. Anyare? Taga Makati ka rin Maja.”

Read more...