Joshua: Nasasaktan ako para kay Julia, pero…

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Hindi diretsong sinagot ni Joshua Garcia ang tanong kung naniniwala ba siya sa mga isyung ibinabato sa ex-girlfriend niyang si Julia Barretto, lalo na ang pagiging third party umano sa Bea Alonzo-Gerald Anderson break-up.

“Di ko masasagot yun, e. Siguro lahat naman ng tao, may kanya-kanyang opinyon sa nangyaring issue,” sabi ng binata sa panayam ng ABS-CBN.

Affected din daw siya sa matinding pamba-bash sa dalaga sa social media, “Sa mga intriga, siyempre naging karelasyon ko rin si Julia. Nasasaktan ako for her and sa nangyayari.

“Pero I think makakabangon naman siya,” aniya pa.

Read more...