Mylene walang balak pakasalan si Jason Webb

JASON WEBB AT MYLENE DIZON

Wala sa bokabularyo ni Mylene Dizon ang salitang kasal. Hindi rin niya nakikita ang sariling lumalakad patungong altar para makipagpalitan ng “I dos” sa kanyang boyfriend.

Ito ang mariing ipinahayag ni Mylene nang matanong sa presscon ng Cinemalaya movie niyang “Belle Douleur (Beautiful Pain)” sa direksyon ng lawyer-producer turned director na si Atty. Joji Alonso.

Ang dating basketbolista turned coach na si Jason Webb ang partner ni Mylene ngayon although may anak siya sa aktor na si Paolo Paraiso.

“Tanungin mo sila (mga kaibigan sa press) kung bakit ayokong pakasal. Alam nila!” natatawang rason ni Mylene nang usisain kung may plano ba siyang magpakasal.

Samantala, matagal kinumbinse ni Atty. Joji si Mylene para tanggapin ang “Belle Douleur”. Naging open naman ang direktora sa aktres sa pagsasabing meron siyang love scenes with her leading man na si Kit Thompson. In fact, may butt exposure pa ang baguhang aktor sa movie, huh!

“Iniisip ko rin siyempre ang sasabihin ng mga anak ko at ng partner ko kaya hindi agad ako nakasagot kay Atty. Eh kinulit ako sa isang party habang magkatabi kami sa upuan kaya heto ginawa ko ang pelikula and I am proud of it!” pahayag pa ni Mylene na napapanood din gabi-gabi ang husay sa pag-arte sa Kapuso series na Sahaya.

Ngayong araw na ang gala night ng “Belle Douleur” sa CCP Main Theater at sa Aug. 14 naman ang commercial release nito sa mga sinehan nationwide under Quantum Films.

Read more...