2 Female celeb na dating magkaibigan tuloy ang dedmahan dahil sa mga anak na mag-ex

MARAMI nang namamagitan para pagkasunduin ang mga dating magkaibigang babaeng personalidad pero mukhang kulang ang kanilang powers. Hindi sila nagtatagumpay.

Tawagin natin silang sina Actress A at Actress B. Ang sister ni Actress A ang talagang kaibigan ni Actress B pero dahil sa madalas nilang pagsasama-sama ay naging magkaibigan na rin sina Actress A at Actress B.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsang magkita sila sa isang party, e, nag-kiss si Actress A sa lahat ng mga bisitang kaibigan niya, pero nilampasan lang niya si Actress B.

“E, sandali lang naman muna! Napakalaking tao ni Actress B para hindi niya makita! Ang syuba-syuba at ang laki-laki ni Actress B, di ba?

“Pero talagang nilampasan lang niya ang bale kaibigan na rin niya dahil bestfriend nga ‘yun ng kapatid niya! Matindi nga ang bitbit ni Actress A!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Dating super-chika ang dalawang female personalities na ito, pero may nangyari sa kanilang mga anak, ‘yun ang naghudyat ng kanilang alitan.

Patuloy ng aming source, “Marami kasing naririnig na kuwento si Actress A na kung anu-ano ang mga sinasabi ni Actress B against sa anak niya!

“Natural, mommy siya, kaya ano ang maaasahan natin? Ang tanong niya, tutal naman, e, magkaibigan sila, bakit hindi na lang makipag-usap si Actress B?

“Katwiran niya, ‘yung mga kuwento kasing nakararating sa kanya, e, puwedeng sobra at kulang, pero kung sa kanya magsasalita si Actress B, kumpleto ‘yun, walang dagdag at bawas,” chika pa rin ng aming impormante.

Pero ayon naman sa kampo ni Actress B ay sobra-sobra kung lait-laitin ni Actress A ang kanyang mahal na anak. Gumaganti lang daw ito.

“‘Yun naman ang reason ni Actress B, kung pagsalitaan ni Actress A ang anak niya, e, sobra-sobra rin! So, para ipagtanggol ang anak niya, e, nagsasalita rin si Actress B nang laban sa anak ni Actress A!

“Hindi na active sa pag-arte si Actress B, matagal na siyang iginarahe ng isang sikat na politician. Si Actress A naman, e, visible pa rin, maraming gumagaya sa pagsasalita niyang sobrang bagal, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio (happy birthday uli, anak!), kilalang-kilala n’yo ang dalawang babaeng personalidad na ito, sa totoo lang!

Read more...