Rocco Nacino vs Gil Cuerva: Sasabak sa lumpiang hubad showdown

GIL CUERVA AT ROCCO NACINO

Literal na feast for the eyes ang episode ngayon ng Sarap ‘Di Ba…Gaya-gaya! Kayang-kaya!

A twin attraction for the girls and pa-girl, panauhin sina Rocco Nacino at Gil Cuerva with Chef Jam Melchor featuring lumpiang hubad (how we wish both Rocco and Gil go naked, too).

To be put to test of their cooking skills ay kung anong twist ang ibibigay ng Legaspi twins Mavy and Cassy with their respective partners to the said veggie specialty.

An advocate of preserving authentic Filipino cuisine, Chef Jam makes sure na tama ang pagkaka-prepare ng kambal ng lumpiang hubad which requires both skill and focus.

Sino kaya kina Rocco at Gil ang magwawagi sa cooking showdown na ito? Speaking of which, nami-miss namin personally ang version ng ina ng aming ex-dyowa ng lumpiang hubad.

Sa low fire niya lulutuin at pagsasama-samahin ang iba’t ibang sahog nitong gulay at hahaluan niya ng peanut butter. Once cooked, sasalain niya ito na ang pinagkatasan is one separate dip from the brown sugar-and-vinegar mixed sauce.

Kakaiba! Parang Sarap ‘Di Ba? lang ang peg, ‘di ba?

Read more...