Hashtag Ryle ‘tuyot’ ang lovelife; hindi pa handang magpaka-daring

RYLE SANTIAGO AT KIRA BALINGER

“MAY bagong rules na po kami (sa Hashtags), kapag hindi ka nakapag-rehearse, hindi ka makakasayaw, quality control din para po mabawasan ‘yung pagkakamali sa sayaw.”

Ito ang pagtatapat ni Ryle Santiago kung bakit hindi na nakukumpleto ang grupong Hashtags sa mga production number nila sa It’s Showtime.

Base sa pagkakatanda namin ay may mga teleserye ang ilang miyembro nila tulad nina Ronnie Alonte (The General’s Daughter), McCoy de Leon (Ang Probinsyano) at Jameson Blake.

Hindi naman daw isyu kina Ryle kung may mga teleserye ang mga nabanggit at hindi nakadadalo sa rehearsals.

“Wala naman pong problema kasi nu’ng time na kami naman ang nagteteleserye nagkakaintindihan naman po kami so okay lang,” katwiran ng binata.

Nabanggit din niya na may injury din si Ronnie sa tuhod kaya hindi rin madalas nakakasayaw.

Samantala, isa si Ryle sa tinitilian sa Hashtags kapag may mall shows sila kaya natanong ang binata kung kailan naman niya planong magpakita ng katawan o magpaseksi nang kaunti.

“Actually marami pong inquiries, ayaw lang nina mom, dad at Star Magic kasi gusto nila pagdaanan ko lahat ng stages ayaw nilang mag-skip ako. Mas gusto nilang alagaan ko ang endorsements ko, i-maintain ko raw muna ‘yung clean image ko,” paliwanag ng binata.

Natanong din namin ang tungkol sa lovelife ni Ryle pero agad niya kaming sinagot ng “dry”. Pero tinukso namin siya dahil ang alam namin ay sila na ni Kira Balinger.

“Friends kami, friends na lang. Ha-hahaha! Naging more than friends kami pero wala na bata pa kasi siya,” mabilis na sagot ng binata.

Binanggit namin na dinalaw niya ang batang aktres sa pictorial nina McCoy, Paulo Angeles, Mark Oblea at Jameson para sa pelikulang “G!” na entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Dumalaw talaga ako sa kanila. Actually, hindi naging kaming-kami, more or less mga two years din pero friends kami.

“Reason was unang-una she’s only 18 and she’s a favorite of the network, management so ayaw ko naman pong humarang. Kung masaya siya, masaya parents niya, masaya management then I’m all for it,” sabi ni Ryle.

As of now ay single ang aktor at hihintayin na lang daw niya ang tamang panahon, “Natutunan ko, mas madaling hanapin, mas magandang hintayin,” saad ni Ryle.

Kinlaro rin ni Ryle na hindi siya kailanman nag-“ghosting” sa mga nakarelasyon niya, “Sinisiguro ko po na malinaw kung anuman ‘yung magiging relasyon namin, so for example, I think it’s better na hindi ituloy kung saan ito dapat patungo kasi ang daming mababangga.

“Sa side ko mas gusto nilang mas masaya ako no matter what kasi they’re all for my happiness, sa side niya (Kira), naintindihan ko naman at for her career, relationship with her family kasi alam ko namang hindi pa handa ang family niya kasi bata pa siya. Ayaw kong sabihing hihintayin ko, kung kami, kami talaga,” esplika ni Ryle.

Anyway, isa si Ryle sa ini-launch bilang celebrity endorser sa #BeautedermXtarMagic kasabay ng 10th year anniversary ng Beautederm na pagmamay-ari ni Rhea Anicoche-Tan.

Kuwento ni Ryle kung paano siya naging Beautederm baby, “For me ang sarap sa feeling kasi ako ‘yung pinagkakatiwalaan sa mga kabataan na importante rin ang skin care. Aminin ko po, before ako nag-Beautederm, wala naman akong pakialam sa balat ko, ang dami kong discoloration sa face kasi lagi akong nakabaad sa araw. Idinadaan ko na lang sa make-up.

“Tapos nu’ng pina-try sa akin ni mama, hindi ako naniniwala nu’ng una hanggang sa nasubukan ko. Ngayon puwede na akong sumalang na hindi nagme-make-up or very minimal na lang. At eversince raw na pumasok ako, ang daming estudyanteng nag-i-inquire,” aniya pa.

Read more...