BINAHA ang maraming lugar sa Metro Manila matapos ang naranasang malalakas na pag-ulan ngayong araw.
Sa video ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago, makikita na binaha ang Quirino Avenue extension hanggang gutter-level.
Baha din sa Maria Paz Mendoza, Guazon, Maynila.
Samantala, napaulat din ang baha sa Taft Avenue, partikularly sa De La Salle University.
Sa Makati, binaha rin ang Mola st. sa Brgy. La Paz.
Sinabi ng MMDA na kabilang din sa mga binaha ang Ortigas POEA, España Antipolo, Otis St. Paco, sa kahabaan Taft Ayala, Taft P. Burgos, Luneta Roxas Boulevard, Ramon Magsaysay Dela Fuente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.