Underground Battle MMA tuloy ang pagtulong sa mga atletang Pinoy

SINAGOT ni Underground Battle MMA CEO/Founder Ferdie Munsayac (una sa kanan) ang tanong mula sa sports media sa ginanap na “Usapang Sports” forum ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Maynila Huwebes ng umaga. Nakasama ni Munsayac sa lingguhang sports forum sina (mula kaliwa) Victor De la Riva at Master Emmanuel Sabrine ng National Muay Thai Kickboxing Council of the Philippines (NMKBCP), TOPS president Ed Andaya at Philippine Table Tennis Federation Inc. (PTTFI) president Ting Ledesma. EDWIN BELLOSILLO

MANANATILI ang Underground Battle MMA para makatulong sa pangarap ng mga local fighters na maabot ang international level na paglalaro.

Sinabi ni UGB MMA founder Ferdie Munsayac patuloy ang pagsasagawa ng MMA promotion upang maipagpatuloy ang nasimulang layunin nito na palawakin ang kaalaman ng mga Pinoy sa sport at ayudahan ang mga local fighters na maging tunay na world-class fighters.

“Tulad sa punong hitik sa bunga, ganyan ang UGB MMA sa mga negatibong isyu na ibinabato sa amin. Pero hindi naming iyan pinapansin. Our group is the longest and oldest local MMA promotions at patunay dyan ang isang 11-fight card na nagawa namin,” sabi ni Munsayac, na kilala sa kanyang monicker na ‘Papa Goat’.

Idinagdag ng dating US Navyman na sisimulan nilang palakasin ang MMA sa Norte partikular sa Ilocos upang makatuklas ng mga bagong talento na posibleng maging international fighters.

“UGB MMA is here to stay. We’re an innovator. Iiwan namin ang Manila dahil masikip na rito sa dami ng MMA promotions. Sa Norte, particularly sa bayan ko sa Ilocos, doon kami hahanap ng ‘diamond in rough’. We produced a lot of champions in the past, kaya ipagpapatuloy naming ito for the sake of our MMA fighters,” dagda pa ni Munsayac.

Sinabi pa ni Munsayac na mapapasailalim na rin sila ng Games and Amusements Board (GAB).

“Starting September, GAB sanctioned na kami. Malaking bagay para sa welfare ng mga fighters ang programa ng GAB. I promised to shoulder the licensed fee ng mga fighters,” ani Munsayac.

Read more...