‘Encounter’ ni Park Bo Gum at ‘My ID is Gangnam Beauty’ ni Cha Eun Woo mapapanood sa ABS-CBN


MAPAPANOOD na ngayong Agosto 4, 2019 sa ABS-CBN ang blockbuster K-drama series na ‘Encounter’ na pinagbibidahan ng dalawang Korean superstar na sina Park Bo Gum at Song Hye Kyo.

Pagtatagpuin ang karakter nina Bo Gum at Hye Kyo sa Cuba kung saan magsisimula ang kanilang love story at muling magkikita sa South Korea, kung saan magiging boss ng una ang huli sa isa sa pinakamalaking hotel na kanyang papasukan.

Ito ang huling K-drama ni Hye Kyo bago ang kanilang paghihiwalay ng kanyang ex-husband at isa ring Korean superstar na si Song Joong Ki.

Kabilang sa mga hit Korean drama ni Bo Gum ay ang Hello Monster (2015), Reply (2015) at Love in the Moonlight (2016), na nauna nang ipinalabas din sa ABS-CBN.

Bumida naman si Hye Kyo sa Autumn In My Heart (2000), Full House (2004) at Descendants of the Sun (2016) kung saan sila nagkasama ng kanyang ex-husban na si Joong Ki.

Inaabangan din ng K-drama fans ang My ID is Gangnam Beauty na pinagbibidahan ng Korean heartthrob na si Cha Eun Woo, kasama ang aktres na si Im Soo Hyang.

Kwento ito ng bidang karakter na si Kang Mi Rae na isang retokada. Sa kabila naman ng kanyang pagiging retokada ay tinanggap siya ng karakter ni Eun Woo na si Do Kyung Suk.

Matapos na mabully noong bata ang bidang si Mi Rae ay nagdesisyon siya at ang kanyang ina na magpa-surgery siya para gumanda bago siya mag-college para magkaroon ng fresh start. Doon naman niya makikita ulit si Kyung-Suk na dati rin niyang kaklase noong bata pa.

Kabilang sa mga K-drama ni Eun Woo ang To Be Continued (2015), Hit the Top (2017) at ang ongoing historical drama na Eun-Woo na Rookie Historian Goo Hae Ryung.

Read more...