Erich nagsilbing tulay sa pagiging close nina Gerald at Julia

ERICH GONZALES AT KRIS AQUINO

Ayaw masangkot ni Kris Aquino ang kanyang bestfriend na si Erich Gonzales sa pinagpipistahang rigodon nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto.

Huwag na raw isali pa si Erich sa kuwento, pagdidiin ni Kris, dahil nananahimik ito at wala namang kuneksiyon sa kontrobersiyang nagaganap ngayon.

Mukhang hindi masyadong alam ni Kris ang kuwento na nadamay sa senaryo si Erich bilang bestfriend ni Julia. Ang unang pumutok na istorya bago pa sumabog ang pagkakamabutihan nina Gerald at Julia ay si Erich ang nagtutulay sa kanila.

Kumalat ang bulung-bulungan na sa bahay ni Erich ihinahatid ng driver si Julia, iiwan na ang dalaga du’n, pagkatapos ay darating naman si Gerald para sunduin si Julia.

Ganu’n ang kumalat na kuwento, kaya may dahilan ang nang-urirat kay Kris kung bakit nananahimik ang kanyang bestfriend na kung tutuusin ay unang-una pa ngang nakaladkad ang pangalan sa relasyon nina Gerald at Julia, ganu’n na ganu’n.

Pero nakaiwas sa kontrobersiya si Erich Gonzales, nasentro lang ang atensiyon ng publiko kina Bea, Gerald at Julia.

Read more...