Horoscope July 23, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: I-blow-out muna ang sarili bago ang iba! Bumili ng bagong latest model na cell phone. Wag ng magdalawang isip pa, anomang gamit na may kaugnayan sa kumunikasyon lalo na’t powder blue ang kulay o kaya’y kulay metal ang magbibigay sayo ng malaking suwerte. Mapalad ang 5, 9, 14, 27, 32, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Padhani-Om.” Bukod sa powder blue at kulay metallic, mapalad karin sa silver, white at gray.  
Aries – (Marso 21-April 19)—    ‘Wag magpapasulsol sa iba, ikaw ang dapat masunod. Sa pag-ibig sundin ang tinitipok ng puso, upang lumigaya. Sa pinansyal, wag sundin ang mungkahi ng iba na mangutang, mas mas tama ang iniisip mong malawakang pagtitipid. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Maroon  at lavender ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) —   Isaalang-alang ang kalusugan. Habang umuulan, laging magpahid ng pan-taboy sa lamok.  May babala ng karamdaman. Mag-ingat. Alalahanin mong uso ang dengue at chikungunya ngayon. Mapalad ang 3 17, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hangin ang mapalad mong elemento. Kung magnenegosyo siguraduhin aliwalas at may pumapasok na sariwang hangin sa puwesto ng iyong kahera o lalagyan ng pera. Sa ganyang paraan mas madaling lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 6, 12, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Pink at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Marami ang naiingit sayo. Huwag mo silang intindihin, naiingit lang sila sa beauty mo kaya ka nila sinisiraan. Sa pinansyal, tuloy mo lang ang kasalukuyang hanap buhay, malapit na malapit ka ng yumaman. Mapalad ang 2, 17, 19, 28, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Om.” Purple at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Nalalapit na ang Barangay Election. Sumama sa mga political activities, para magkapera. Sa pag-ibig, sa pagsali-sali sa politika, isang Capricorn ang makikilala na lihim na magkakagusto sayo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vanjur-Veda-Om.” Green at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Iwasang mamintas! Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Taurus, kung hindi mo na siya pipintasan. Mapalad ang 8, 11, 20, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Om-Atram.” Gold at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Uuho ang suwerte may kaugnayan sa salapi kung lagi kang nagpapasalamat sa Diyos. Sabihin mong lagi: “Salamat po O Lord!” Sa pag-ibig iplano na ang gagawing pagda-date ninyo ng kasuyong Virgo sa isang pribadong silid. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Laging sabihin sa sariling: “Makakapera ko!” Yan ang mahiwagang formula, upang maakit mo ang suwerteng pang-materyal. Sa pag-ibig, simple lang ang mantra: “Masarap na romansa at tapat na pag-ibig ang agad-agad na darating.” Mapalad ang 2, 16, 25, 29, 42, at 49.  Yellow at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) —Ngayon na ang panahon upang palaguin ang kabuhayan. Sa produktong agrikultura at pagkain mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, mag-ingat, may isang illicit love affair na biglang darating. Mapalad ang 3 15, 21, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: Aum-Gayatri-Om.” Violet at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Huwag pagdamuntan ng kaunting panahon ang kasuyo inaasahan ka nya. Nanabik na siya sa iyong lambing at romansa. Sa pinansyal, mentras maraming trabaho kasabay naman nitong aangat ang libido. Mapalad ang 6, 12, 21, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja.” Red at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isang  BFF sa text at sa internet ang lihim na may pagtingin sayo. Sa sandaling nakilala mo siya, sunggab agad bago tuluyang maglaho ang kanyang pagkasabik. Sa pinansyal magpapaluwal ka na naman, umiwas sa mga kaibigang buraot. Mapalad ang 5, 11, 22, 37, 39, at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Babanm-Kebalam.” Gray at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Iinit na naman ang iyong ulo sa walang katuturang usapan. Wag makikipagtalao sa mga makikitid ang utak. Sa pinansyal lalong pag-igihan ang pagkukuripot upang mas mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, tuloy ang relasyon sa isang payat. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Orange at purple ang buenas.

Read more...