NEVER naranasan ni Anne Curtis ang mabiktima ng “ghosting”, o ang bigla na lang iniwan ng boyfriend nang walang pasabi o paliwanag.
Nauso ang salitang “ghosting” dahil sa umano’y panloloko ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo na ang itinuturong third party ay si Julia Barretto.
Sa nakaraang presscon ng bagong sex-drama movie ni Anne, ang “Just A Stranger” kasama ang Kapamilya hunk na si Marco Gumabao, natanong ang TV host-actress kung na-experience na niya ito.
Tugon niya, “Yung bigla na lang nawawala, ganun ba yun? Dapat nag-uusap, yun talaga. Ako, as in, kailangan mag-usap.”
Pero inamin naman ni Anne na may dati siyang boyfriend na nahuli niyang nambababae, talagang kinompronta raw niya ang guy, “Of course! Ako pa! Away talaga yun!
“In the beginning, it was just a matter of texting horrible words and then changing my number para di na niya ako ma-contact ever. Pero siyempre, pag love mo, pag nagkita kayo ulit. And then away, like, whatever,” aniya pa.
Sobrang na-hurt daw talaga siya nang malamang niloko siya ng ex-dyowa, “Masakit. I changed my number. Tapos nagda-drive ako nang hindi ko alam kung saan ako pupunta.”
Natanong din si Anne kung ano ba ang masasabi niya sa mga taong nanloloko at nangangaliwa, “I think it’s very hard, because that’s a case-to-case basis.
“Kung anong nangyayari sa buhay mo or kung ano ang nangyayari between you and your partner to reach the point to actually fall for someone else or to actually like someone else. So it depends. There’s no way to justify it. It’s your emotion.
“It depends kasi kung ano yung pinagdadaanan ng bawat couple for them to reach the point na ma-attract sa iba,” hirit pa ng Showtime host.
Samantala, muli ngang babalik si Anne sa sex-drama genre kung saan bibigyagan naman niya sa maseselang eksena si Marco Gumabao. Iikot ang kuwento ng “Just A Stranger” kay Mae (Anne), asawa ng businessman (Edu Manzano) na makikipag-one night stand kay Jericho (Marco), ang lalaking makikilala niya habang nagbabakasyon sa Lisbon, Portugal.
Anak ng Philippine Ambassador si Jericho sa kuwento na may girlfriend pero si Mae ang magbibigay ng kakaibang excitement sa kanyang buhay. Dito na nga magsisimula ang makulay ngunit masalimuot na buhay nina Mae at Jericho.
Hanggang kailan nila maitatago ang kanilan love affair? Posible nga bang mauwi sa seryosohang relasyon ang pakikipag-one night stand? Sa trailer pa lang ay matindi na ang mga nag-aalab na eksena nina Anne at Marco kung saan pareho silang napalaban sa napakaraming laplapan at love scene.
Kuwento nina Anne at Marco sa nakaraang presscon ng “Just A Stranger” napakarami nilang ginawa sa pelikula na first time mapapanood ng madlang pipol, lalo na raw si Marco na walang kaarte-arteng naghubad sa movie.
Sey ni Anne, matagal na niyang gustong makagawa ng May-December affair movie kaya nang i-offer sa kanya ng Viva Films ang “JAS” ay agad niyang tinanggap pero siyempre, ipinaalam daw muna niya ito sa asawang si Erwan Heussaff at talagang ipinabasa niya rito ang script.
“Nakakatawa nga kasi people always ask that whenever I do a film, how Erwan reacts? Kung kumokontra ba siya. But you know, he’s very open-minded. Of course I felt like after getting married that…kasi before I wouldn’t let him read my script – nothing. But since we got married, I felt na parang, okay, maybe I should make him read the script first just so he knows what I’m doing,” paliwanag ng aktres.
“He read it (script ng ‘JAS’ , he said it’s such good material, ‘You should do it.’ He saw the teaser and everything and he found it very nice. You know, he comments about the music, he comments about the shots, he actually finds it very nice,,” aniya pa.
Pero ayon kay Anne, baka raw hindi manood sa premiere night ng movie nila ni Marco ang asawa, “I don’t think he will be going to this. He didn’t go to Sid & Aya either. What he does is nanonood siya ng regular screening and usually, hindi kami nanonood together but if he asks me to watch with him, I’ll watch with him.”
Showing na ang “Just A Stranger” sa Aug. 21 nationwide sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.