HANGGANG ngayon ay hindi pa rin pala okay sina Jaclyn Jose at Laarni Enriquez na mother ni Jake Ejercito. Si Jake ang tatay ng apo ni Jaclyn na si Ellie, anak ni Andi Eigenmann.
Umiling lang si Jaclyn nu’ng nakausap namin siya sa media launch ng ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines tungkol sa isyu.
Malapit na magkaibigan noon sina Laarni at kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones. Kaya kahit paano napalapit na rin si Jaclyn kay Laarni.
May dekada na raw ang isyu sa kanila ayon kay Jaclyn. Kaya hayaan na lang daw na ganoon.
For sure, happy na naman si Jaclyn sa pagdating ng bago niyang apo kay Andi pagkatapos nitong magsilang muli ng baby girl sa bago niyang partner na surfer, si Philmar Alipayo.
At tanggap na raw niya ang surfer lover ni Andi na swak lang sa kasabihang, “accept things and people as they are.”
About naman sa kanyang personal life, gusto pa rin daw ni Jaclyn na magkaroon mg partner in life. Pero hindi naman daw siya atat na atat na magkaroon ng boyfriend.
Matagal na rin namang walang partner si Jaclyn and the last one na naging isyu about her lovelife ay ang kanyang short-lived romance sa character actor na si Lito Pimentel.
“Naku, malaking iskandalo yon,” tanging nasabi ni Jaclyn.