LPA binabantayan

ISANG low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Kaninang umaga ng LPA ay nasa layong 460 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Hindi ito inaasahan na magiging bagyo ng PAGASA pero maaari umano itong sumama sa isa pang sirkulasyon ng hangin sa labas ng PAR at ito ang posibleng maging bagyo.

Mayroon ding bagyo sa labas ng PAR at tinatahak ang direksyon papunta sa China. Ang tropical storm Wipha ang humihigop sa Habagat kaya nabawasan ang pag-ulan sa Luzon.

Read more...