Pauleen: Binuo ng Eat Bulaga ang buhay ko, niregaluhan nila ako ng sariling pamilya…

ISANG mabait na asawa, healthy baby at masayang pamilya ang mga iniregalo ng Eat Bulaga kay Pauleen Luna.

Ngayong taon ay nagse-celebrate ang longest noontime show sa bansa ng kanilang 40th anniversary at ayon nga kay Poleng, napakaswerte niya dahil hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng programa.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng madamdaming message ang misis ni Bossing Vic Sotto at nagpasalamat sa lahat ng blessings na dumating sa buhay niya mula nang maging Dabarkads siya at siyempre sa aniya’y “gift of family.”

Nag-post si Poleng ng litrato nila ni Vic kasama ang anak na si Tali suot ang kulay pula na EB shirt.

Caption niya sa kanyang IG photo: “Ang Eat Bulaga para sa akin ay parang missing puzzle piece na bumubuo ng buhay ng tao. Sa ibang tao, ang Eat Bulaga ang kinailangan nila sa mga oras na sila ay malungkot.

“Sa iba, ang Eat Bulaga ang tumulong para sila ay makapagpatuloy sa buhay. At sa iba pa, Eat Bulaga ang pumuno sa puwang ng kanilang mga puso.

“Malaki ang pasasalamat ko sa Eat Bulaga dahil napakaraming bagay ang natutunan ko sa 15 years ko dito. Binuo ng Eat Bulaga ang buhay ko ng nagkaroon ako ng sarili kong pamilya dito. Salamat,” aniya pa.

q q q

Muli namang binalikan ng isa pang host ng Eat Bulaga na si Joey de Leon ang ilang pinagdaanan nila nina Tito Sotto at Vic Sotto sa kanilang programa.

Isa na nga rito ang pinagmulan ng titulo ng noontime show, “Nasa kusina ako nina Tito noong naisip ko ‘yung pangalan. Tapos ‘yung kusinero nila nandu’n siya. Ang pangalan niya Jesus.”

Kaya aniya, divine intervention na rin daw siguro na gamitin ang “Eat” bilang tanghali nga ang timeslot ng kanilang show at “Bulaga” naman dahil sa sikat na laro ng mga bata noon ang “It…Bulaga.”

Ito rin ang naging basehan ni Joey sa paggawa ng kanilang unang slogan na “Habang May Bata, May Eat Bulaga.”

Read more...