Ate Guy kamukha ni Maris Racal sa ‘Himala’, pasadong young Nora Aunor

PERSONAL na nakipag-meeting sina direk Joel Lamangan at line producer na si Dennis Evangelista kay Maris Racal na gaganap na young Nora Aunor sa possible Metro Manila Film Festival 2019 entry na “Isa Pang Bahaghari.”

Saad ni direk Joel nang makita si Maris, kamukhang-kamukha siya ni Ate Guy nu’ng “Himala” days ng Superstar.

Ayon naman kay Maris, fan ni Ate Guy ang kanyang ina kaya walang naging problema sa pagtanggap niya sa role.

Gaganap namang young Phillip Salvador si Albie Casiño at ang indie actor na si Miggs Almendras bilang young Michael de Mesa. Sina Ipe at Michael ang ipinalit kina Tirso Cruz III at Christopher de Leon na unang napili para makasama ni Ate Guy sa nasabing proyekto.

Sa isang gawaan ng tuyo ang location shoot ng “Isa Pang Bahaghari.”

Read more...