Nadine takot magkasakit kaya umayaw sa MMFF entry ni Aga


INAMIN ni Nadine Lustre na talagang siya ang tumanggi sa 2019 Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films na “Miracle in Cell No. 7” kung saan makakasama sana niya ang award-winning actor na si Aga Muhlach.

Paliwanag ng girlfriend ni James Reid, feeling niya hindi na niya kakayaning gawin ang nasabing pelikula kahit na napakaganda ng kanyang role at ilalaban pa sa taunang filmfest. Gaganap sana siyang anak ni Aga sa pelikula na ibinigay na nga kay Bela Padilla.

Ayon kay Nadine, nakagawa na siya ng dalawang pelikula ngayong taon (ang Ulan with Carlo Aquino at ang malapit nang ipalabas na Indak kasama si Sam Concepcion).

“Pang-third movie ko na po kasi this year ‘yun if ever, so I really felt that I needed a break. Kasi medyo nabe-burnout na din po ako kasi nakadalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po na gumawa ng pelikuka kasi other than shooting, meron pang promotions.

“So since it’s an MMFF film, parang naisip ko na baka maging masyado ng hectic ‘yung schedule, mahihirapan din po ako na, at the end of the day, ayaw ko naman pong parang umayaw, dahil pagod ako at burnout ako,” paliwanag ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.

Nanghihinayang daw siya sa proyekto pero mas priority siyempre niya ang kanyang kalusugan, “I’m not rushing naman po e, hindi naman po ako nagmamadali. Yes I mean it’s a good project but to say na wala nang darating na magandang project in the future… para sa akin, uunahin ko lang ‘yung sarili ko and health ko.”

Naiintindihan naman daw ng kanyang management ang naging desisyon niya, “They completely understand, even sa VIVA, when I told them about it na parang gusto ko po magpahinga. Kasi sobrang exhausting naman po ng dalawang magkasunod na movies and promo pa, and naiintindihan naman nila.

“And they understand kung gaano naging ka-hectic ang schedule ko for the past few months. Ever since nag-start ‘yung year sunod-sunod na po ako, so they felt that I needed a break din po,” aniya pa.

Aprub din siya sa pagpili kay Bela bilang kapalit niya sa proyekto, “I’m really happy kasi Bela is a good actress, she’s also a good writer and she takes what she does seriously and she loves it and it shows naman po. Okay naman po, I’m happy that it’s Bela.”

Read more...