Pagbabati ng Aquino at Marcos ilusyon lang ni Imee; Kris marunong makilaro sa politika


ILANG araw matapos irampa ni Sen. Imee Marcos sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang symbolic gown ay nakunan ng reaksiyon si Kris Aquino.

If there’s one thing that Imee and Kris share in common, kapwa sila dating presidential sisters. Well, also common to them and their families is their enmity towards one another.

Mukhang sinadyang magsuot ni Imee ng gown (a creation of Mak Tumang na gumawa rin ng ipinanalong gown ni Catriona Gray sa Miss Universe) which the designer named La Filigrina, na anito’y sumasagisag ng hamon tungo sa pagkakaisa ng isang bansang nahahati dahil sa magkakasalungat na pananaw sa pulitika.

For the most part ay kulay dilaw (the color associated with the opposition which toppled the Marcos regime in 1986) ang gown, na nag-aanyong dapithapon sa bandang ibaba nito with a touch of red.

The neophyte senator accentuated it with a gold tambourine medallion (dahil ‘yun naman ang accessory which Mak has originally intended to match the gown).

Pabiro ngang sinabi ni Imee that for once—sa okasyong ‘yon—ay dilawan siya. At ang dahilan ng red and yellow combination ng kanyang kasuotan ay pagsuko na raw sa nakakasawa nang bangayan sa politika.

How noble yet unrealistic. Para kasi sa amin, sa halip na La Filigrina ang tawag sa gown, with Imee proudly donning it ay nagmistula siyang “La Feelingera.”

Nang malaman ni Kris, all that she simply wanted from Imee (kung sinsero nga ito) ay ang pag-amin nitong may mga bagay na nagawa ang mga Marcos na dapat ihingi ng kapatawaran mula sa mga mamamayan.

If this so happens, ani Kris, she might have an open mind sa posibleng pakikipagkasundo ng kani-kanilang mga pamilya. Sadly and expectedly, none of the members of the Marcos family is willing to do just that.

Ultimo ngang pagkaka-convict na sa matriarch nitong si Imelda, na ina niya, is an issue which will be likely consigned to forgottenness.

Imposible ang inaasam o iniilusyon ni Imee unless there is no closure to the issues. Paulit-ulit lang din ito, pilit na binubuhay like a zombie who rises from his grave and wanders around.

Huwag nang magpakabayani ni Imee with her patriotic stance na hindi naman kapani-paniwala. Dahil ang bayan na totoong minamahal ay hindi pinagnanakawan.

Huwag na tayong magpakaipokrita, Imee Marcos.

Samantala, maging kami ay nagulat sa tinuran ni Kris in defense of the President. May himig kasi itong parang wala rin siyang nakikitang ‘di kanais-nais batay sa mga ginagawa nito para sa bayan. Parang 360 degrees ang ikot ni Kris from where she used to stand.

But we read it differently. And perhaps ay baka ito rin ang reading ng marami.

May nalalabi pang kulang-kulang na tatlong taon sa termino ni Digong who’s so powerful that a slight stroke of his finger can change everything.

Maaaring sa loob-loob ni Kris, hamo nang magpaka-chummy-chummy siya. A tiny sliver of political hypocrisy won’t harm her, neither will it heal her of her ailment.

There are times when we are forced not to be our real selves under certain circumstances. After all, tanging si Kris lang naman ang nakakaalam what lies in her heart of hearts.

Ikaw na ang ipinanganak sa Araw ng mga Puso.

Read more...