‘Patay’ huli sa rape

SALINAS, California — Isang Scottish ang nagpanggap na namatay na para matakasan ang kasong panggagahasa sa Scotland.

Nahuli si Kim Vincent Avis, 55, ng U.S. Marshals Service.

Noong Pebrero bigla na lamang umanong naglaho si Avis habang lumalangoy sa beach Monastery Beach na kilala bilang “Mortuary Beach” dahil sa deadly reputation nito.

Tatlong araw hinahanap ang labi ni Avis pero hindi nila nahanap ang bangkay nito.

Nagduda ang mga pulis dahil hindi maikuwento ng buo ng 17-anyos na anak ni Avis kung ano ang nangyari.

Si Avis ay nahaharap umano sa 24na kaso ng panggagahasa sa Scotland.

Read more...