Carlo nag-sorry kay Angelica: Nandito pa rin ako ngayon nang dahil sa kanya

CARLO AQUINO

“NAG-SORRY na ako sa kanya.” ‘Yan ang naging sagot ni Carlo Aquino sa mga hugot ni Angelica Panganiban laban sa kanya.

Mukhang hanggang ngayon kasi ay may sama pa ng loob kay Carlo ang ex-girlfriend matapos sabihing ayaw na nitong makipag-ayos sa kanya.

“Sorry. Spare me. Gusto kong maging mabuting tao. Pero ayokong maging bobo,” ang sagot ni Angelica sa tanong ng fans nila Carlo kung posible pa bang magkabati sila.

Kahapon sa presscon ng kanyang first major solo concert na “Liwanag”, natanong ang singer-actor tungkol kay Angelica, “Actually hindi ko nga alam ‘yan eh. Kagabi, tinanong ako nu’ng boss ko sa taping kung ‘Nakita mo ba ‘yung tweet?’ Anong tweet? ‘Nag tweet si Madam eh’. Ay hindi, hindi ko alam. ‘Ay ‘wag na, ‘wag na.’”

Hangga’t maaari ay ayaw nang mag-comment pa ng binata tungkol sa isyu, “Para sa akin lang kasi kung may apoy naman ‘di ba, ‘di mo naman bubuhasan ng gasul ‘yun para lumaki pa? ‘Wag na natin sigurong pahabain, kasi ‘yung emotions niya, valid ‘yun, di ba? Kung ‘yun ‘yung nararamdam niya ibigay na natin sa kanya.”

Hindi rin daw siya nagagalit sa mga sinasabi ni Angelica laban sa kanya, “Wala, wala. Bakit ako magagalit?

Tsaka, nag-sorry naman ako. Sincere yung sorry ko sa kanya and hindi ko kailangan mag-sorry in public dahil napaplastikan ako sa ganu’n. Personal mas maganda. Ilang beses naman kaming nag-usap I think okay na yun.”

Ano ang reaksyon ni Angelica nu’ng mag-sorry siya? “Kung anumang nangyari….tsaka hindi lang naman kami isang beses nag-usap.”

Posible pa bang magkatrabaho sila? “Oo naman, palagi. ‘Di ba, ilang beses ko sinabi rin sa inyo na malaking bagay siya kung bakit ako nandito ngayon so very thankful ako everyday sa kanya.”

Speaking of his “Liwanag” concert, Carlo is now ready to fully embrace his musical side with his much-awaited first solo and pre-birthday show this Aug. 31 at the Music Museum.

Sa direksyon ni Frank Mamaril at sa musical direction ni Louie Ocampo, ibabandera na ng award-winning actor ang kanyang passion for music by unveiling his musical memoir, “Nagsimula ako na tinuruan ako ng kapatid ko na maggitara ng right-handed, eh left handed ako so hirap na hirap ako.

Tapos natuto ako sa kaliwa at dun nagumpisa ang lahat.”

Bukod dito, malaking impluwensiya rin sa kanyang pagiging musikero ang ama dahil kinalakihan niya ang pakikinig sa mga classic song. Carlo assured that his concert’s repertoire, although personal, would have something for everyone.

“Gagawa ako ng maliliit ng fillers ng iba ko pang musical inspirations ko gaya ng boy groups and alternative and acoustic artists pati old hits,” aniya.

Paano niya pinaghahandaan ang kanyang “Liwanag” concert? “Meron kaming 5 to 6 days of rehearsal cause I’m planning to dance, which is a first for me. Ayan ha, may pa-dance na rin ako ngayon!”

Hills & Dreams’ Marketing and Operations Director Vernice Soyangco singled out Carlo’s versatility as the main reason that made them decide to produce a separate show for him.

“I think an artist who shares his journey to the people is an example of an artist promoting how everyone should look back to their roots and continue to spread motivation to others through the best medium and ability you have,” sey ni Vernice.

Sisiguruhin ni Carlo na mag-eenjoy ang lahat ng manonood sa “Liwanag”, “Yun naman ang pinakaimportante talaga eh, mag-enjoy yung mga manonood at mag-enjoy ako as a performer, kasi hindi ko na nga alam kung ito na ba ang first and last ko.”

Kaya markahan na ang Aug. 31 sa inyong kalendaryo para sa isang makaysaysang birthday concert ni Carlo sa Music Museum. Produced by Hills & Dreams, “Liwanag in Concert” is made possible by major sponsors Beautiderm, Luxent Hotel, Master Siomai and FLM Creatives, with minor sponsors Fernandos’ Bakery, Sisters, Lungcare and Circulan.

For tickets, call Ticketworld (891-9999), Music Museum (721-0635 and 721-6726) and Hills & Dreams at 0977-7818540.

Read more...