MINE-MAINTAIN na ni Alden Richards ang bago niyang look na talagang ginawa niya para sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”
Ipinakita ng Pambansang Bae ang bago niyang itsura kung saan ibinandera niya na meron na siyang jawline sa tulong na rin ng bagong treatment mula sa Belo Beauty.
“Worked out, eating right and yes, jawline unlocked. Congratulatons @belobeauty for being the Ultherapytop provider in the Philippines,” caption ng Kapuso Drama Prince sa kanyang Instagram photo.
Anyway, judgment day na ngayon para sa movie nila ni Kathryn Bernardo. Showing na ang “HLG” sa lahat ng sinehan nationwide. Napag-alaman namin na walang local movies na matapang na sumabay sa kanilam
Sa isang tweet ni Alden, kahit tapos na ang trabaho niya para sa nasabing movie, no “goodbyes” daw para sa lahat ng mga nakasama niya sa paggawa ng pelikula na idinirek ni Cathy Molina.