KUNG paniniwalaan ang kampo ng isang kilalang aktres ay talaga palang pinanindigan na ng isang pamosong aktor ang hindi pagbibigay ng sustento sa kanilang anak.
Matagal nang isinisigaw ng female personality ang dapat ay tulong na ibibigay ng kilalang aktor, pero hanggang ngayo’y wala pa rin pala, talagang tinikis na nito ang kanyang anak sa female personality.
Kuwento ng aming source, “Okey lang sana kung talagang walang-wala ang male personality, maiintindihan ‘yun ng ex niya. Kaso, marami siyang trabaho, meron siyang regular serye, kumikita siya nang malaki!
“Ano ba naman ang amount na ipadadala niya sa bagets kung tutuusin, kakapiranggot lang ang mawawala sa kinikita niya, pero hindi pa rin niya magawa-gawa!
“Nag-usap na sila nu’n na regular siyang magsusustento sa bata, pero nangyari lang ‘yun nang makalawang beses, pagkatapos nu’n, e, wala na!” unang chika ng aming impormante.
Kaya itinuturing na dakila ng mga nakakaalam ng kuwento ang isang male personality na talagang inako na ang responsibilidad sa anak ng aktor. Ito na ang tumatayong ama ng bagets.
Patuloy ng aming source, “Kaya hindi lang magaling umarte ang male personality na ‘yun, napakadakila pa ng puso niya, dahil kinakaya niyang tanggapin ang iniwanang responsibility ng kasamahan niyang artista.
“Siya na ang naging tatay nu’ng bata, siya ang uma-attend sa school kapag kailangan, nakakahiya ang male personality na ‘yun na basta na lang tinalikuran ang pagkatatay niya sa anak nila ng female personality!
“Nakakaloka siya! Gagawa-gawa siya ng milagro, pero hindi naman pala niya kayang panindigan! May drama pa siyang wala siyang pangsustento, pero saan ka, naka-post ang mga pagbiyahe-biyahe niya!
“‘Yun ba ang walang datung? Kung saan-saan siya nakararating, ang laki-laki ng nagagastos niya sa mga biyaheng ‘yun, pero ang halagang dapat niyang ipadala sa anak niya, waley!
“Naku, kahit gaano pa siya kaguwapo, kahit gaano pa siya kahusay umarte, para sa mga taong nakakaalam ng pagpapabaya niya sa anak niya, e, balewala lang lahat ang mga ipinagmamalaki niyang qualities!
“Siya sa totoo lang ang tamang-tamang example sa ipinauso niyang ghosting! Siya ang nawawala, siya ang basta na lang tumalikod, siya ang hindi man lang nagsusustento sa anak niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nandiyan na ang clue kung sino siya, kaya hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.