BINIGO ng Pangulong Duterte ang pag-asa ng milyon-milyong “endo” workers na sila ay maging regular na empleyado. By vetoing the Security of Tenure Bill, short-term workers will remain “endo” workers for the rest of his/her productive years.
Because “endo” workers have no fixed wages and no fixed social protection insurance benefits, forever na silang mahirap. “Endo” workers have no union to defend and support them. Isang malinaw na nganga sila forever.
Dahil sa rejection or pag-veto ng pangulo sa proposed bill, hindi na sila kahit kailan man ay mapo-promote at magkakaroon ng chance na i-enjoy ang mga benepisyo at proteksyon na tinatamasa ng isang regular na empleyado.
Because of this, “endo” workers might live as informal settlers, eat less nutritious foods and no savings for their emergency needs. Hindi rin sila makakapag-plano ng kanilang buhay o makapagpapaaral ng anak o kapatid sa disenteng school dahil kapos lagi ang sweldo.
Hindi rin maka-kakuha ng SSS, Pagibig at Philhealth dahil hindi nireremit ng agency ang contribution nila at putol-putol ang kanilang contribution kung meron man, kung kaya’t hindi sila makapag-loan ng ayuda
mula sa mga ahensiyang ito.
Pero ang “endo” workers ang workhorse ng ating bansang umuunlad ang ekonomiya at nakikipagkompetensiya sa iba pang mayayaman na bansa sa Asia. So yumayaman ang mga negosyo at lumalaki ang kanilang kita. Habang yumayaman din ang kaban ng bayan dahil sa buwis na kinukuha nila sa mga manggagawa at mga negosyante.
But the workers who worked so hard every day, remain poor and impoverished. Ito po ang buhay ng mga “endo”. Tinatayang nasa 9 to 15 million sila sa Luzon, Visayas at Mindanao sa manufacturing, restaurants, hotels, electronics, garments, food, agri-business, garments, plastics at agriculture sectors sila nagta trabaho dito sa bansa.
Para sa komento, tanong o suhestyon, maaaring mag-email sa librepamore
@gmail.com o kaya ay mag-text sa 09989558253.