Julia, Gerald, Kim sasabak sa matinding bakbakan

GERALD ANDERSON AT JULIA BARRETTO

Magiging kaabang-abang din ang magaganap na All-Star volleyball at basketball games ng Star Magic artista na magaganap sa Aug. 25 sa Araneta Coliseum.

Sa basketball kasi ay maghaharap ang team ni Vice Ganda kasama ang mga taga-Showtime (Hashtag members and hosts) versus team Gerald with his co-Star Magic artists. Minsan nang nagparinig si Vice ng tila pagkampi kay Bea over the issue kaya’t nakakaintriga kung paano niya iha-handle ang sitwasyon kapag nagkaharap na sila ni Gerald.

Sa volleyball naman ay pamumunuan ni Kim Chiu ang isang team laban sa grupo na pamumunuan naman ni Julia Barretto.

And this early nga kapatid na Ervin, ay may bulung-bulungan na ng kuyugan at pagpapakita ng lakas ng kani-kanilang supporters dahil once again, may common factor na Gerald Anderson ang mga naturang personalidad.

Nakakaloka talaga dahil bidang-bida na naman si Gerald Anderson sa mga ganap na ito! Unless, merong mag-back out sa kanila para makaiwas sa intriga at kontrobesya.
We will see.

Read more...