Zephanie Dimaranan waging Idol PH 2019; tinawag na ‘next Sarah G’

ITINANGHAL na kauna-unahang Idol Philippines grand winner ang biriterang si Zephanie Dimaranan.

Tinalo ng dalaga ang dalawa pang Idol hopefuls na sina Lucas Garcia and Lance Busa na nakalaban niya sa live final showdown sa Newport Performing Arts Theater kagabi.

Dalawang battle rounds ang pinagdaanan ng final 3 – sa first round pinapili sina Zephanie, Lucas at Lance ng kanta kung saan pwede nilang ilarawan ang kanilang Idol journey.

For the second round, they were asked to perform new, original compositions ng mga kilalang songwriters. For the original song round, Zephanie performed “Pangarap Mong Pangarap Ko” ni Jonathan Manalo.

Kinanta naman ni Lance ng “Kapit Lang” ni Jimmy Antiporda, habang ang “Because You Believed” ni Trina Belamide ang napunta kay Lucas.

Sa huling laban, si Zephanie nga ang nakakuha ng highest score ng 100% kung saan 50% ng total score ay nagmula sa mga judges na sina Regine Velasquez, Vice Ganda, Moira dela Torre at James Reid habang ang natitirang 50% ay mula sa public votes.

Lucas got a combined score of 70.2% while Lance got 41.89%.

Naiuwi ni Zephanie ang mga sumusunod na premyo: recording contract from Star Music, an all-expense paid trip to Taiwan for four, a brand new house and lot, and P2 million.

“Hindi po ako makapaniwala, sobrang saya ko po and sobrang thankful po ako kay Lord kasi finally naabot ko na po ang dreams ko kaya maraming maraming salamat po lahat ng sumuporta sa akin, mula noon hanggang ngayon. Maraming maraming salamat po, para sa inyo po ito,” ani Zephanie.

“Sobrang worth it po lahat ng pagod ko, lahat po ng ginawa kong mga trainings para po dito, sobrang natutuwa po ako na binigay sakin ni Lord ‘to,” dagadg pa niya.

Ano naman ang masasabi niya sa mga nagsasabing siya na ang next Sarah Geronimo? “Masaya po ako kasi si Miss Sarah po ay isa po sa mga idol ko and influence ko po noong bata palang ako kaya natutuwa po ako na nakikita po nila ‘yung naging influence ko po,”

Naging special guest sa final showdown ng Idol PH si Jessica Sanchez, ang itinanghal namang first runner-up sa American Idol Season 11.

Read more...