“AKO po, e, okey na okey,” paniniyak ni Joshua Garcia sa entertainment press during the grand mediacon ng bagong drama series sa ABS-CBN na The Killer Bride.
Hindi naman lingid sa marami na katatapos lang ng relasyon nila ng kanyang reel-and-real partner na si Julia Barretto. At ang masakit pa nito, meron na raw agad ipinalit sa kanya si Julia — si Gerald Anderson.
“Kumbaga, haharapin mo siguro ‘yung araw, ah, siguro passionate ka sa trabaho mo. Kasi puro trabaho lang talaga ako recently. So, malalim ang isip ko sa trabaho,” lahad pa ni Joshua.
Sa paghihiwalay nila ni Julia, may bago namang makakapareha si Joshua sa The Killer Bride, walang iba kundi si Janella Salvador.
“Na-excite ako saka masaya kasi nagkaroon ng opportunity na nagkasama na kami. Ang dami na naming project sana na hindi natutuloy. This time, finally, natuloy na. And thank you kay Lord sa blessing,” lahad ni Joshua.
Nakatulong daw ang sensuality workshop na ginawa nila ni Janella para mas maging comfortable sila sa isa’t isa.
“Actually, parang naging open kami sa isa’t isa. Kasi may mga workshop doon na parang gumawa ng timeline. So, simula sa pagkabata hanggaang sa lumaki nagkwentuhan lang kami. Parang, game lang kami, e. Sobrang dedicated kami,” dagdag pa ng aktor.
Tulad ni Joshua, dumaan din sa matinding unos ng buhay si Janella. Kaya naman kinu-consider niyang malaking blessing ang The Killer Bride.
“Sobang tagal kong nawala ‘coz, in life things happen. I used that time to really think about kung ano ang gusto kong gawin, and, para i-prove ang sarili ko? Nu’ng dumating ‘to sa akin, ang unang pumasok sa isip ko, ‘Wow, ang galing talaga ng timing ni God!’” kwento ni Janella.
Matindi raw ang nararamdamang lungkot ni Janella bago inalok sa kanya ang The Killer bride, “Parang, ‘Bakit hindi ako nagwo-work ngayon? Ano bang dapat kong gawin next? Ano pong tamang path for me? Tapos biglang dumating ‘to?
“It’s the most challenging role I’ve ever decided to accept and I don’t regret it kasi napakaganda talaga. And I really hope mabigyan ko ng justice kasi pati ‘yung story, everything napakaganda,” aniya.
Abangan ang The Killer Bride na unang proyekto nina Joshua at Janella, and of course, with Maja Salvador.