SARAH may ‘SECRET DATE’ sa Hawaii, mga magulang naiwan sa Pinas


Nasa Hawaii ngayon si Sarah Geronimo para magbakasyon, bahagi pa rin ito ng birthday gift niya sa kanyang sarili. Pero alam n’yo ba na hindi sina Mommy Divine at Daddy Delfin ang kasama niya sa trip na ito.

Kung sino ang ka-join ng Pop Princess sa bakasyon niyang ito, naku, I’m sure malalaman n’yo rin ‘yan. May nagtanong kung si Matteo Guidicelli raw ba? Hindi na kami nag-comment.

Ha-hahaha! Pero ang mahalaga ay medyo naging maluwag na nga ang parents niya pagdating sa kanyang personal na buhay.
Pinapayagan na siyang mag-travel na kasama ang ilan sa malalapit niyang mga kaibigan.

Ibig sabihin niyan, unti-unti nang nagiging malaya ang singer-actress. Samantala, pagbalik ni Sarah, magiging busy na uli siya sa promo ng bago niyang album, ang “Expressions” kung saan pinagsama-sama nga ang mga awiting sumasalamin ngayon sa kanyang mga nararamdaman.

Nasa music stores na ang “Expressions” under Viva Records, may 11 kanta ito. In fairness, si Sarah din ang line producer ng kanyang latest album kaya naman mula umpisa ng production ay kasama siya, nagbibigay ng opinyon at suhestiyon na pinakikinggan naman ng Viva Records.

Maging sa pictorial at sa mga susuutin niyang damit ay may say ang Pop Princess. Kasama sa album ang mga kantang “Again”, “Pati Ang Pangarap Ko”, “Ikot-Ikot”, “Tayo”, “Maaari Ba”, “Eyes on Fire”, “Sweetest Mistake”, “Mama”, “You’ve Got A Friend” (ft. Delfin Geronimo), “Make Me Yours” at ang bonus track na “It Takes A Man and A Woman”.

Matagal-tagal ding walang album si Sarah, almost eight months now nang ilabas ang kanyang “Pure OPM Classics” na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang benta sa mga record store.

Bukod sa album na ito, sure na rin ang kanyang major concert for this year. Gaganapin ito sa Nov. 15 at hinahanapan pa ng malaking venue. Excited na siyempre si Sarah sa nasabing concert dahil major pasabog din ang gagawin niya.

Pramis ng Viva Concert, producer ng concert, na mas bongga ito sa “24/SG” kung saan kinabiliban na ang mga effects noon. Anyway, isa pang ini-enjoy ni Sarah sa kasalukuyan ay ang kanyang pagiging coach sa The Voice.

And before the years ends may malaking pelikula uling gagawin si Sarah akaya abangan n’yo ‘yan!

( Photo credit to google )

Read more...