Tawa-tawa versus dengue?

DAHIL sa mga testimonya na nakagagaling, nais ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na kilalanin ng mga ahensya ng gobyerno ang Tawa-tawa bilang alternatibong gamot laban sa dengue.

Ayon kay Vargas maaaring magsagawa ng pag-aaral ang Department of Science and Technology, Department of Health at Bureau of Food and Drugs sa Tawa-tawa upang magamit ito sa panggagamot.

“This is not a folklore that we should merely ignore. The cure is already within our reach. It’s only a matter of taking things considerably and seriously,” ani Vargas.

Umabot na sa 106,630 kaso ng dengue ang naitala sa unang anim na buwan ng taon.

Punto pa ni Vargas kinikilala ng India, West Africa at Nigeria ang medicinal value ng tawa-tawa. “Why not the Philippines?”

“Our country is blessed with the abundance of Tawa-tawa, a plant has a reputation to cure a wide-array of illnesses such as respiratory, inflammatory, gastrointestinal, fungal and bacterial.”

Ang tawa-tawa (scientific name Euphorbia hirta) ay ginamit ng ilang pasyente na may dengue at gumaling umano sila rito dahil pinipigilan nito ang pagkasira ng platelets at nagpaparami ng cell sa katawan.

“Such claim is backed up by a number of scientific researches and findings. However, most doctors prevent the use of Tawa-tawa as a remedy.”

Read more...