MATINDI ang mga naging akusasyon ng asawa ng PBA star player na si Calvin Abueva laban sa kanya.
Sa mismong Instagram account ng cager na @calvinabuevaofficial naglitanya si Sam Abueva ng mga hinaing at reklamo niya sa asawa kabilang na ang umano’y pang-aabuso sa kanya.
Una munang ipinost ni Sam ang mga screenshots mula sa CCTV footage kung saan makikita umano ang mga ginagawa sa kanya ng basketball player. Kinalimutan na rin
daw ni Abueva ang kanilang mga anak.
Pagkatapos nito, nag-live rin siya sa Instagram stories at nagsumbong sa netizens, “Last year, 2018, January tumakas kami ng mga anak ko sa kanya kasi sobra na yung threat na ginagawa niya sa ‘kin, sasaksakin na niya ako, babarilin na niya ako.
“Yung mga CCTV na yun ang pananakit ni Calvin na hindi niyo masisikmura kung paano niya ako saktan at kung paano niya saktan ang mga anak namin,” pahayag ng misis ni Calvin.
Aniya pa, nitong nakaraang July 8 lang, pinilit daw siya ng cager na mag-sex sila na naging dahilan ng pagsugod sa kanya sa ospital.
“July 10 nag-spotting ako kasi lasing siya, dinaganan niya ang tiyan ko, naospital ako noon. July 8 pinipilit niya akong galawin, dinudugo ako sabi ko hindi pwede kasi makukunan ako ayaw kong mawalan ng anak,” lahad pa niya.
“Nanginginig siya gusto niyang yakapin ko siya ng mahigpit, pinapabuksan niya sa akin yung ilaw kasi natatakot siya sa daddy niya, nandoon na kami sa punto na ganoon,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, “Sinabi mo last year na nanlalaki ako, Calvin? Sige nga, patunayan mo. Patunayan mo lahat yan. Dalawa yung nabuntis mong babae, Calvin. Nasaan?
“Pinanagutan mo? Hindi, di ba? Hinahabol ka. Tinataguan mo. Tinanggap kita December, nagmamakaawa ka, sabi mo magbabago ka na, tinanggap kita pero ano’ng ginawa mo, gusto mo pa rin akong sirain,” dagdag pa ni Sam.
Ito naman ang huling mensahe niya sa asawa, “Calvin, magtutuos tayo, wag kang sinungaling. Magpakatotoo ka, yun lang ang masasabi ko sa ‘yo.”
Sa isang panayam naman, mariing pinabulaanan ni Calvin ang lahat ng akusasyon ni Sam. Aniya, “Sa mga followers ko doon sa lumang IG ko ‘wag kayong maniwala doon kasi hiwalay na po kami. Wala na po akong communication doon at siya na po ang humahawak ng old IG ko.
“Lahat ng mga nandoon is kababalaghan at walang katotohanan . . . Sa lahat ng mga fans ko na nadamay, lalo na sa family ko, at ah . . . nanggigigil ako. Sorry, sorry. Pero, actually, nakakagigil.”
Kung matatandaan, naging kontrobersyal din si Calvin nang ma-link siya sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Suspended din siya indefinitely sa PBA dahil sa mga nagawa niyang violations.