Siguradong masa-shock ang madlang pipol sa mga maseselang eksena ng Mga Batang Poz, ang latest advocacy digital series ng iWant promoting HIV awareness.
Pinagbibidahan nina Awra Briguela, Fino Herrera, Paolo Gumabao at Mark Neumann, ang Mga Batang Poz ay tungkol sa apat na kabataan na HIV-positive. Nagsimula na ito sa iWant last Friday.
Sa trailer pa lang nito ay talagang mapapanganga ka na dahil sa mga sex scene ng mga bida na tiyak pag-uusapan ng manonood, lalo na ang mga mature scenes na ipinagawa kina Mark at Awra.
“Nu’ng nalaman ko, namulat ang mata ko and I’m very proud to be part of this project. It’s an honor to be part of an advocacy, to be educating and guiding people and to clear things up tungkol sa stigma pagdating sa mga people living with HIV,” pahayag ni Mark Neumann.
Sey naman ni Awra, “Gusto ko maging role model ng mga kabataan. Gusto kong maging inspiration at maging aware sila. First pa lang nu’ng nalaman ko itong project na ito tinanggap ko siya ng buong puso.
Yung mga maseselang eksena binantayan naman po ng production.”
Sa direksyon ni Chris Martinez, ang six-episode series na ito ay magbibigay ng kaalaman sa madlang pipol about HIV-positive individuals at kung paano ang relasyon nila sa kanilang pamilya. This is based on the best-selling novel by Palanca-winning author Segundo Matias, Jr.
“Be informed, be educated and be aware na talagang tumataas ito (bilang ng may HIV). Huwag naman sana nating pataasin pa, lalo na sa mga kabataan na 15% lang daw po ang aware sa nagaganap,” sey ng magaling na nobelista.
Base sa latest survey, ang Pilipinas ang tinaguriang fastest-growing HIV epidemic sa Asia-Pacific region. Sabi ng Department of Health, “majority of these infections are also reported to be among young people aged 15 to 24, said the Philippine National AIDS Council in 2018.”
Mga Batang Poz was adapted by writer Jerry Gracio and produced by Unitel, StraightShooters and Dreamscape Digital. Kasama rin dito sina Yayo Aguila, Bobby Andrews, Joem Bascon, Gardo Versoza, Rita Avila, Mark Rivera, Benedict Campos, Raven Molina, Chesca Inigo, Patty Mendoza, Soliman Cruz, Tarek El Tayech, Dolly De Leon, Marina Benipayo, Chienna Filomeno,
Ricardo Cepeda, Andrew Gan, Arnold Reyes, Angeli Agbayani at Irma Adlawan.