#Biktima: Pang-uupak ng bashers kay Maja nang maging BF si Gerald naulit lang kay Julia

MAJA SALVADOR AT BEA ALONZO

Tama lang ang ginagawang pag-iwas ni Maja Salvador sa kontrobersiyang nagsasangkot kina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto.

Unang-una, matagal na siyang nakapag-move-on sa break-up nila ni Gerald, maligaya na siya ngayon sa kasalukuyan niyang karelasyon. Para ano pa nga naman at makikigulo pa siya sa isyu?

Marami siyang puwedeng ikuwento, meron siyang puwedeng sabihin, pero hindi na ‘yun mahalaga dahil nakasulong na siya nang isandaang porsiyento mula sa hiwalayan nila ni Gerald.

Kung matatandaan ay matinding pamba-bash din ang inabot ni Maja nang maging magkarelasyon sila ni Gerald. Si Kim Chiu na kaibigan niya ang dating karelasyon ng aktor nang pumasok siya sa eksena.

Tinawag ding mang-aagaw nu’n si Maja, naturingan pa naman daw siyang kaibigan ni Kim, pero ayon sa dalaga ay tapos na ang relasyon nina Gerald at Kim nang maging karelasyon niya ang aktor.

Paulit-ulit lang ang istorya, parang usong damit na lilipas lang pero babalik uli sa moda, basta si Geralrd Anderson ang lalaki sa kuwento.

Consistent si Gerald!

Read more...